|
| Sunday, November 11, 2007 |
| happy day :) |
im moving on :)
special thanks to: rey meg karen rozelle veronica loteng agel uam tuewy ma'am grace kat anna alex tonie wilfred mark ate khaye cha mik ely
maraming salamat sa inyo, conscious man o unconscious, tinulungan nio akong maging masaya uli. salamat mga kaibigan :)
sana na lang bumalik na uli ang gana kong kumain. hehe. |
posted by muesLix @ 12:20 AM  |
|
|
|
| Friday, November 09, 2007 |
|
ang pangarap ko sa buhay ay ibigay lahat ng karangyaang gusto ng pamilya ko at kapag naibigay ko na ang gusto nila, mamamahinga na ko.
simple lang ang gusto ko paglaki ko gusto kong maging guidance counselor sa isang high school, o kaya psychology professor sa isang college na hindi known sa magandang standard ng edukasyon. bakit? kasi gagalingan kong magturo, at pag magaling na ko, mahahawa ung co-teachers ko, tapos gagaling na kaming lahat, pati ung mga estudyante, kaya gagaling na rin ung school na un.
tapos, habang ako'y nagpapakabayani sa pagtuturo ng sikolohiya, magpa-part time akong crew ng McDonald's Meycauayan. kasi sa mcdo, simple lang ang mga tao, hindi sila mayaman, kaya simple lang ang kanilang kaligayahan, nakikita nila ang halaga ng maliliit na bagay.
yon ang nakita ko sa mcdo, kaya hindi ko ito maiwan. kaya kahit ngayong resign na ko, binabalik-balikan ko pa rin ito, para makasama ang aking mga kaibigang nakakasama ko sa mga simpleng trip namin sa buhay:magkwentuhan pagkatapos ng shift, kumain ng lugaw pag bagong salary, maglakad ng ilang kilometro pauwi. mga simpleng bagay na hindi ko nararanasan sa unibersidad, mga bagay na hindi gusto ng mga magulang ko dahil napakasimple at sa tingin nila'y walang patutunguhan.
pero di ba, minsan, kapag sukang suka ka na sa komplikadong buhay ng mga nakapaligid sayo, mas gugustuhin mong maging maliit at magpakasasa na lang sa simple mong kaligayahan. |
posted by muesLix @ 5:40 PM  |
|
|
|
|
| bakit? |
bakit mas mahirap tuparin ang mga simpleng pangarap?
maraming nangangarap ng marangyang buhay
nagtatrabaho para makapag-aral nag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho nagtatrabaho para makabili ng gusto nagtatrabaho para umangat ang estado nagtatrabaho para sa marangyang buhay
pera lang naman ang sagot dyan. at alam nating lahat kung paano kikita ng pera.
pero ang mahirap, yung mangarap ng simpleng buhay. bakit? kasi hindi lang naman pera ang sagot dun. kailangan mo rin ng pagtanggap.
kung lahat ng tao ay nangangarap maging marangya, saan mo ilulugar ang simple mong pangarap? mamaliitin ka nila, madidisappoint sila kasi yun lang ang gusto mo, kasi dun ka lang nakuntento. |
posted by muesLix @ 5:28 PM  |
|
|
|
| Tuesday, October 16, 2007 |
|
| sana likod na lang ang palaging nakikita sakin. |
posted by muesLix @ 3:00 PM  |
|
|
|
| Thursday, September 20, 2007 |
|
noodle: talaga? bat di ka tumuloy? fishy: wala akong oras e. noodle: lagi ka na lang walang oras. fishy: tapos yung binibigyan ko, nawawala.
isn't it so damn unfair?
"minsan hindi ko maintindihan parang ang buhay natin ay napagtitripan medyo malabo yata ang mundo binabasura ng iba ang siya'ng pinapangarap ko." |
posted by muesLix @ 10:43 PM  |
|
|
|
| Wednesday, September 19, 2007 |
| eMo poSt |
kagabi naisip ko, sana hindi na ko magising.
kanina naman, sabi ko, pag namatay ako, ung may maituturong may kasalanan. for example, nasagasaan, mga ganun, para sila magbabayad ng pagpapaburol tsaka pagpapalibing ko. para hindi na mahirapan ung mga magulang ko. poproblemahin pa nila kung san hahagilap ng pera. namatay na nga lang ako e nag-iwan pa ko ng problema.
pero, wag muna. next time na lang.
magpapayaman muna ako. hindi ako mag-aasawa. pag marami na akong pera, ibibigay ko lahat ng gusto ng mga magulang ko. bibilin ko lahat ng pinabibili ni agel. pati ung mga gusto ni kuya bibilin ko rin. ibibigay ko ung mga bagay na wala ang mga pinsan ko. ako ang mag-aalaga ng mga anak ng mga tao. mag-a-outing kami, pupunta kami sa beach, o kaya magrerent ng private resort sagot ko lahat. gusto ko kasama sila. gusto ko sama-sama kami.
pag masaya na sila, magta-travel ako, at pag may nakita akong nahihirapan, tutulungan ko sila. hindi ako magpapalampas ng pagkakataong makatulong.
simula ngayon, wala na akong ibang iisipin kundi sila. wala na.
*gising* |
posted by muesLix @ 8:29 PM  |
|
|
|
|
| adrianne |
i thought i knew you once again you used me, used me
adrianne i should have left you long before you used me used me up. |
posted by muesLix @ 4:39 PM  |
|
|
|
| Tuesday, September 18, 2007 |
| memories |
all alone in the moonlight...
naalala ko lang nung una akong nagpost sayo blog, actually, ginawa nga kita para may mapaglabasan ako ng sama ng...loob.
nilamatan kasi ni someone ang mura kong puso. (syet.)
at ngayong nagsisipag akong muli sa pagpopost, anung ibig sabihin nito? nilamatan na naman ba ang puso ko?
ahhh, hindi naman masyado, ;P
|
posted by muesLix @ 9:50 PM  |
|
|
|
| Sunday, September 16, 2007 |
| waaaa! bat di pa ko dalaga?!?!?! |
haha! grabe! nagtitingin-tingin at nagko-comment-comment lang ako sa aking mga friendsters kani-kanina... elem prends, high shool batchmates, college acquaintances...
at dalaga na sila! ako hindi pa!
haha.
kasi naman, tingnan naman natin ang kanilang mga pictures... *nakahiga sa kama at pinipicturan ang sarili sa mapanuksong pose *sa kama ulit, nakadapa naman para ma-emphasize ang mga kurba ng katawan *naka mini skirt *naka tube/spaghetti/backless top *kasama ang nobyo *kasama ang friends na nagpaparty-party *mapupula ang mga pisngi
samantalang ako... *nakaupo sa lobby kasama ang mga friendly friends *o kaya naman sa sunken *o kaya solo flight sa bahay *nakahawak ang mga kamay sa baba *nagme-make faces na parang bata *may hawak na stick at nakikipaglaban sa masasamang loob
waaaaaaaa! disinueve anyos ka na! dalaga ka na dapat!
hahaha! |
posted by muesLix @ 11:11 AM  |
|
|
|
|